by Nico Villaceran

MALOLOS, Bulacan - Lahat ng barangay health workers ng bawat distrito ay sasailalim sa “Basic Eye Care Training”, bilang bahagi ng pagdiriwang ng “Sight Saving Month” ngayong buwan ng Agosto.

                             Bilang pagdiriwang ng Sight Saving Month, nagdaos ng isang seremonya angTanggal Katarata Foundation sa pamumuno ni Cherry Meneses, noong Agosto 6, sa Bulacan Capitol Gymnasium. Ang ilulunsad na training ang magtuturo sa mga barangay health workers ng tamang proseso ng paunang lunas at pangangalaga sa pasyenteng mamamayan na may problema sa mata. 

                   “What's important is the responsibility in this community, aware sila sa eye problems and programs”, ani Meneses.

                              “Kaya gusto ko i-mold 'yong kaisipan ng ating mga barangay health workers regarding their roles in eye care. I envision para kung ano ang mga programa ng lalawigan ng Bulacan sila 'yong makakatulong natin at their level na hindi naman nagiging extra burden 'yong eye care”, dagdag pa niya.

                          Ayon naman kay Bise-Gobernador Daniel Fernando, "Ang Provincial Government sa pangunguna po ng ating Gob. Willie ay inilulunsad ang mga programang ito upang lahat po ay matugunan, lahat po ng pangangailangan ng ating mga kababayan ay amin pong matugunan at magsisimula po tayo sa mga barangay.”

                           Ika naman ni Tomas Gualberto Meneses, Secretary General ng National Committee for Sight Prevention o NCSP. Isa sa tatlong pangunahing pangangailangan ng mga Bulakenyo sa problema sa mata ay ang Human Resource Development, dito papasok ang mga barangay health workers, dito kasi grassroots."

                           "Kapag natuto na ang ating mga health workers, magiging madali na para sa kanila ang hawakan ang sitwasyon ng mga may problema sa mata o dalhin sa center kung may katarata”, dagdag pa niya. 

                               Ang Provincial Government ng Bulacan ay magpapatawag na lamang ng general assembly para sa pagsisimula at oryentasyon ng nasabing training.

                                Para sa mga barangay health workers, hindi naman ito nagsilbing pabigat pa sa kanilang mga trabaho.

                             “Maganda. Kasi hindi na namin kailangan pang lumuwas pa. Kung magkakaroon kami sa barangay edi may sarili na kaming ospital. Meron na kaming mga gamit at tamang proseso ng pag-aalaga, d'on na lang naming dadalhin 'yong mga pasyente”, ani Delia Magugat, isang Barangay Health Worker.

                         "Ok 'yon kasi mapapadali na 'yong pag-aasikaso namin sa mga pasyente na may problema sa mata, minsan kasi dinadala na agad namin sa malapit na ospital na may eye center, kasi nga 'di rin naman namin alam kung paano sila alagaan”, ani Veron Alcantara, isa ring Barangay Health Worker. 

 


Comments




Leave a Reply