by Juvy Gail Colili

Guguinto, Bulacan -Isang matinding pag-ulan ang dala ng Hanging Habagat sa mga taga-Central Luzon noong nakaraang linggo, na nagdulot ng pagbaha at pagkasira ng mga pananim sa bayang ito.

Lumubog ang malaking bahagi ng sakahan sa bayan ng Guiguinto ng Bulacan. Nakaranas din ng pagkalubog sa baha ang mga residente, na sinasabing hindi inaasahan at hindi pangkaraniwan.

“100% of the plains in guiguinto are damaged, they are submerged in the flood. Ine-report ko talaga 100%. Nag-ikot din naman kami, talagang lahat nakalubog, 100% talagang nag-submerge, malalaman natin ngayon kung may makaka-recover (crops) kasi mga bata pa eh. Four days na siyang lubog (yung mga pananim). Hanggang ngayon hindi pa din lumulutang yung ano (punla). Kahit bumaba na ang tubig medyo mahina na 'yon,” ani Dr. Eduardo Jose, kawani ng munisipyo ng Guiguinto tungkol sa agraryo.

Dagsag pa ni Jose, ''Yong chance ng recovery walana siguro. Kung meron man kaunting-kaunti lang ang makaka-recover. Kasi nga hanggang ngayon (Agosto 10) hindi pa lumulutang o hindi pa nakikita ung mga puno at mga halaman, wala na matutunaw na 'yon.”

Hanggang sa ngayon wala pa ring plano ang munisipyo tungkol sa mga nasirang pananim.

“Sa ngayon wala pa, nagrereport pa kami sa Provincial, then regional makakarating ng National 'yon. May mga ginagawa namang programa pero hindi pa sa siguro sa ngayon. I-e-estimate pa kung ilan o gaano yung na-damage tsaka lang mag-pro-program at mag-ba-budget para sa rehab (rehabilitasyon ng pananim). Minsan nagbibigay sila ng seedling tapos pataba.” ani Jose.


 


Comments




Leave a Reply