by Nico Villaceran

MALOLOS, Bulacan - Mahigit sa 300 Bulakenyong may komplikasyon sa mata ang tinulungan ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan, sa pangunguna ni Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado upang mapigilan ang sakit na katarata bilang pagdiriwang ng “Sight Saving Month” na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium, noong Agosto 6.

                 Sa tulong ng Department of Health (DOH), National Center for Disease Prevention and Control (NCDPC),National Committee for Sight Prevention (NCSP), International Agency for Prevention of Blindness (IAPB), at Lions International at Optometric Association of the Philippines (OAP), naging matagumpay ang libreng konsultasyon sa mata at sakit sa katarata mula ala-una hanggang ala-singko ng hapon.

           Ayon kay Dr. Mildred Pre, Provincial Coordinator ng Eye Care Program, “Meron na tayong mahigit 300 pre-identified clients sa vision at cataract screening. Sa vision screening, ito 'yong para sa mga 59 years old pababa at ‘yong mga DepEd pre-identified children with eye problem. Scataract screening naman, ito 'yong para sa mga Bulakenyo na 60 years old pataas."

                 Para naman sa mga Senior Citizen na may katarata at malalang komplikasyon sa mata, ayon din kay Pre, "'Yong ating libreng operasyon sa katarata ay ginagawa natin quarterly, ito ay 24 hours, non-stop operation, ngayong 3rd quarter naka-schedule ito sa August 23-26 sa Calumpit District Hospital. Meron din tayong Error of Refraction kung saan nagbibigay tayo ng libreng salamin, ‘yong ating childhood blindness para sa mga mag-aaral, may Vitamin A supplementation tayo at ‘yong primary eye care para sa ating mga Barangay health worker.”

               “Sa mga Bulakenyo, sana po lagging papatnubayan ang inyong kaisipan at pangangatawan, sana po, idinadalangin natin na bawat saklaw ng inyo pong paningin ay laging naaayon sa kagustuhan ng ating Panginoon. Wala po sanang pasyente na hindi makakatuntong ng kagalingan”, ani ng Gobernador.

                   Dagdag pa niya, ”Ako po’y naniniwala na ang mga taong ito na tumutulong sa atin at ang kanilang mga kasamahan ay hinihipo at ginagamit ng ating Panginoon pero ang totoo pong nagpapagaling ay ating din pong Panginoon."

                    Ayon naman sa Bise-Gobernador Daniel Fernando, ”Marami ang mga nangangailangan ng tulong medikal, lahat po iyon ay gagawin namin. Kaya naman ang Sangguniang Panlalawigan ay sumusuporta sa lahat ng ordinansa, batas at sa lahat po ng resolusyon para po sa programa ng kalusugan”.

                  “Kaya po hinahangad ang bawat isa na magkaisa sa pagtawag sa Panginoon. Sapagkat kami po lamang ay ginagamit ng ating Panginoong Hesus para tumulong sa inyo”, dagdag pa ng bise-gobernador.

                Sa pagtatapos naman ng programa para sa pagdiriwang ng “Sight Saving Month”, nangako ang ating Gobernador Alvarado, Bise-Gobernador Fernando kasama sina Dr. Leonor Macalintal Almoro, presidente ng OAP, Dr. Frank Diza, Medical Officer IV ng NCDPC, Mr. Tomas Gualborto Meneses, Ssecretary General ng NCSP, Domingo Pascual Jr. ng Lions International, Mr. Stephen Alcantara ng IAPB, Dr. Noel Chua, chairman ng NCSP, Hon. Enrique A. Tayag, Assistant Secretary ng DOH, Ms. Cherry Meneses ng Tanggal Katarata Foundation at Mildred Pre, provincial coordinator ng Eye Care Program, sa pagsuporta at pakikipagtulungan upang mapangalagaan ang bawat paningin ng mamamayan ng lalawigan ng Bulacan.

                 “Huwag na nating hintayin na mabulag at lumala tayo, magpatingin nang mas maaga, ang mata ay napakahalaga, kaya ingatan natin. Dito nga sa Bulacan Medical Center, sa tulong ng Lion’s Club International at ng NCSP, malapit nang matapos ‘yong eye center at ito ay para talaga sa ating mga mamamayan,” ani Gob. Alvarado.

                    Ang Eye Care Program ay isa sa 7 Point Agenda sa kalusugan ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan sa tulong ng NCSP at Lions program

 


Comments




Leave a Reply