By Deliza Maye Fernandez

Isa sa mga taun-taong kaganapan sa Bulacan State University ang singing competition na BulSU Pop Superstar.
 
Ayon kay Herminio Suarez, ang patnugot ng naturang paligsahan, ang pangunahing layunin ng programa ay ang madiskubre ang talento ng mga mag-aaral ng BSU at matukoy kung sino sa mga mag-aaral ang may inklinasyon sa musika. Ayon din sa kanya, nagsimula ang paghahanap ng superstar mula pa noong 1998.

Ang pondo ng BulSU pop ay nanggagaling sa Miscellaneous fee ng bawat mag-aaral ng BSU na nilalagay sa SocioCultural Fund.

“Binabalik naming sa estudyante in order to help their parents regarding the financial deficiency,” ani Suarez.

Ang BulSU Pop Superstar ay ginaganap kada taon at nagsisimula sa buwan ng Agosto at nagtatapos sa buwan ng Disyembre kasabay sa Foundation week ng unbersidad. May 20 na aspiring contestants na maglalaban-laban. Noong nakaraang mga taon, tatlo-tatlo ang tinatanggal kada elimination pero dahil sa maraming walang pasok nitong mga nakaraang buwan at mga araw, apat na ang tatanggalin hanggang sa maging walo na lang at maglalaban-laban sa grand finals.

May tatlong round ang naturang kumpetisyon. Sa unang elimination, maglalaban ang mga aspirants sa Original Pilipino Music (OPM). Ang apat na matatanggal ay mag-uuwi ng P1000 bawat isa. Sa pangalawang round, kakanta sila ng Danceable songs at mag-uuwi ng P1,200. Ang sunod at huling apat na matatangal sa 3rd round ay magkakaroon naman ng P1,500 bawat isa.

Pagdating ng Grand finals, ang walong natitira ay maglalaban-laban.  Ang 3rd prize ay mag-uuwi ng P4,000; ang 2nd naman ay P6,000; sa 1st naman ay P8,000 plus trophy at ang tatanghaling grand champion ay magkakaroon ng P10,000 with trophy. Ang apat na walang pwesto ay magkakaroon ng tigtu-2,500php.

“Siyempre once na nanalo siya, everytime na ma-i-invite tayo (BSU) na mag-represent, siya yung ita-top ko,” saad ni Suarez tungkol sa tatanghaling BulSU Pop Superstar.

Bukod sa BulSU pop, nakaplano na ring gawin ang Choral Competition sa naturang unibersidad.


 


Comments




Leave a Reply