Pamamasko, Praktikal pa ba?
Christeen Mae Juan

Sa pagsapit ng araw ng kapaskuhan, nakaugalian na ng mga Pilipino ang pamamasko at pagbibigay ng regalo at aguinaldo. Isa na itong kasanayan na kung saan 'pag wala ay parang hindi kumpleto ang pasko. Mayroong mga tinatawag na kuripot o mababa magbigay at mayroon din naming mga galante ngunit sa panahon ngayon at sa hirap ng buhay, praktikal pa ba ang pamamasko?

Noon ay karaniwang mga bata ang namamasko. Ngunit ngayon, tila pati ang mga dalaga o binata na ay namamasko pa rin.

Para sa akin, pag sinabihan ka ng pamamaskuhan mo ng “Dalaga/Binata ka na” ang gusto talaga nilang sabihin ay “Matanda ka na para mamasko”.

Oo alam kong walang pinipiling edad sa pasko kaya lang sa hirap ng buhay ngayon, matanda ka na, may isip ka na, maging praktikal ka. Kaya mo nang magtrabaho at mag-ipon kaya huwag ka nang mamasko. Hindi lamang ikaw ang binubuhay at hindi nagtatrabaho ang ninong o ninang mo para sayo.

Kaya din siguro mayroong kahit dalaga o binata na ay namamasko pa rin ay dahil nakasanayan na nila. Oo kasanayan na ito pero maging praktikal ka naman.

Ayon kay Maribeth de Guzman, sila ng kaniyang asawa ay hindi sinanay o pinalaki ang kanilang dalawang anak na namamasko. Mahirap daw kasi ang buhay kaya tuwing pasko ay sila nalang ang nagbibigay ng regalo sa kanilang mga anak. Binibilhan nila ito ng mga damit at laruan.

Nabanggit na lamang din ang damit, nakakatawa na aaminin kong nakakainis sa isang banda 'yong nakikita kong namamasko dahil pormadong-pormado sila na insane mukhang mamahalin pa ang mga suot nila.

Oo alam ko na para presentable, pero iba ang pagiging presentable sa magarbo. Yung tipong ang sosyal o yaman mo nang tingnan tapos mamasko ka? Baka nga mas may pera ka pa kaysa sa ninong o ninang mo.

Aminin man natin o hindi, issue ang pagtatago ng ninong o ninang. Minsan hindi naman sila nagtatago, maaring may lakad sila ng pamilya niya. Nakakahiya naman siguro kung sila pa ang mag-a-adjust sayo, na hindi sila aalis ng pamliya niya kasi mamamasko ka o kayo.

Minsan hindi rin naman nila gusting magtago. Ayaw lang nilang mapahiya at madismaya ka kasi wala silang maibigay sa iyo. Hindi trabaho ang pamamasko kaya huwag mong karirin.

Aminin na nating kabataan na kaya rin tayo nagagalak kapag pasko dahil magkakapera na naman tayo pero sa hirap ng buhay ngayon huwag ka ng mag-obliga ng tao upang bigyan ka.

Kung bibigyan ka, pasalamat ka. Kung mas may kaya ka pa sa magbibigay sa iyo, huwag mo ng tanggapin 'yong ibibigay nya, ikaw na 'yong magpamasko sa kanya no'n.

Darating ang araw na darami ang inaanak mo, at darating ang araw na maiisip mo kung gaano kahirap ang buhay at kung gaano kahirap hatiin ang pera para sa iyo, sa pamilya mo, at para sa mga inaanak mo.

 

Sense of Oblation Run
Christine Mae Juan

Every year in the celebration of the foundation week of Bulacan State University (BulSU), the APO (Alpha Phi Omega) Fraternity executes an oblation Run for a cause. Yet, despite the anticipation of many to see several naked men running, the fact that it is considered as “nothing” by some still remains.

This 2012, 26 to 27 members of the brotherhood ran naked, asking for a clean and peaceful 2013 elections. Negative comments had risen instantly.

“Tumatakbo sila for a purpose alam naman natin ‘yon. Kaya lang ang mga tao ngayon iba ‘yong tinitingnan at hindi na inaalam ‘yong tunay na dahilan ng pagtakbo nila,” said BulSU Mass Communication Student Sarah Jane dela Cruz.

Some said we are just imitating University of the Philippines (UP) in having Oblation Run.

Yes we are not in UP, we are in BulSU. And yes it is not necessary to do such a thing just to boast “May oblation rin sa BulSu!” They are running naked for years but I don’t think they already made a change.

It’s not that I’m against APO or against oblation run. It’s just that no matter how long they run or show more skin, if the administration is still not willing to listen about what we students are saying, it’ll be all worthless. If that’s the case then there’s no point for running, add the fact of running naked.

I got their point, I got their message. But the question is “Does everyone get their point as much as I do?”

Honestly, BulSUans are excited in watching for oblation not because they want to give their sympathy for those who run naked but because they want to see those runners naked.

Some would say “Maliliit naman”, “Hindi naman magaganda katawan”, “Nakakasuya”. Why? Because they are not there to support the advocacy of those runners, they were there to see someone’s naked body.

If people would keep in mind that they are running to show their body, then these men are merely running for nothing.

It’ll take a lot of guts for someone to show his body and run naked. So my dear BulSUans, they are not running for fun, they are running for a cause. They are not actually imitating UP, they are fighting for something. We just have to see things beyond that body.

 

Potential Modern-day Heroes
Kattryn Erryc Sayo


                A hero is defined solely as somebody who commits an act of remarkable bravery and is admired for outstanding qualities and achievements. But in reality, everyone can be a hero in his or her own standards.

                The province of Bulacan is indeed one of the places in the Philippines where extraordinary heroes and leaders were created. Last November 14, 2012, Bulakenyos celebrate the 137th birth anniversary of one of these heroes, Gregorio del Pilar – a young man who once dedicated his life to gratify his countrymen’s thirst for freedom.

                The celebration, dubbed as “Katorse de Nobyembre” (Araw ni Heneral Gregorio del Pilar, Araw ng Barangay, Araw ng Kabataan), did not only honor the life and legacy of the legendary Quingua and Tirad Pass hero, but it also gave recognition to the exemplary leaders of the Sangguniang Kabataan and barangays officials in Bulakan. It also gave acknowledgement to the successful projects spearheaded by the mentioned town officials.

                The event was pioneered by the local government of the municipality of Bulakan. The event took place at the Plaza del Pilar in barangay San Jose, Bulakan, which was attended by several political figures, including Senator Allan Peter Cayetano, Bulakan Sangguniang Kabataan or SK officials and barangay officials, students, and local residents.

                Gregorio del Pilar, the nephew of the famous Marcelo H. del Pilar, was also known as “Goryo”, “Goyong” and “Boy General”. He was one of the youngest generals in the Philippine Revolutionary Forces during the Philippine Revolution and the Philippine-American War. Even at a young age of 20, he had already been participating in battles against the Spaniards and Americans in Bulacan. In fact, he was recognized as a field commander while fighting the Spanish barracks in the province. He also participated in an assault in Kakarong de Sili (now the town of Pandi), when he was among the defenders and warriors when the Spaniards took revenge and recaptured the town.

                When the Philippine-American war started, Goryo continued to carry out his exemplary heroism and leadership. In the Battle of Quingua (now the town of Plaridel), he led his troops to success as they defeated the Americans in their first phase of battle. Sadly, in the Battle of Tirad Pass which happened in Ilocos Sur, del Pilar died, as the young general was shot in the neck.

                Even at a young age, Goryo had already undoubtedly lived a significant and meaningful life through defending his province and country against oppressive invaders and leading the multitude to fight for their rights, though it meant that his life was in jeopardy.

                 The life of General Gregorio del Pilar is a challenge to everyone – to imitate and be inspired by the young hero’s valor, so much more than the warlike history he had gone through. This is the challenge: to fight for, defend and protect every human being’s rights; to become catalysts of change; and to become heroes and leaders of the modern chaotic nation state of our country.

                It is not every day of our lives that modern-day Gregorio del Pilar and the like will be there to save the day. Even through our simple acts of righteousness and willingness to support and cooperate with each other, whether rich or poor, educated or illiterate, employed or jobless, ordinary citizens or not, we can become heroes, and we are guaranteed that the dream of achieving vast development, both economically and ethically, may be highly possible.

                May the short yet courageous life of General Gregorio del Pilar stimulate the hero in the heartsof the every Filipino: to the thousands of intellectuals who vowed to serve and alleviate the country and its citizens in reaching progress and justice; and to the millions of citizens who desire for a better nation.

 

Tagisan ng Kasikatan
Reina Beatriz Peralta

  Simula na ang ingay sa pulitika pagsapit ng Oktubre.  Mas dadami na ang mga pulitikong lalabas sa telebisyon at dyaryo.  Mag-eendorso ng kung anu-ano, magpapa-interview at mag-gi-guest sa mga programa sa telebisyon.  Magsusulputan na rin ang mga tarpaulin at banner sa lansangan na babati ng “Happy Fiesta” at “Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon” kasama ang pangalan at litrato ng mga kakandidato.  Dahil pagsapit ng ika-isa hanggang ika-lima ng Oktubre, umpisa na ng pagpa-file ng kandidatura.

                Malayo pa man ang panahon ng pangangampanya at halalan, nagsisimula na ang mga tatakbo sa pagpapabango ng kanilang pangalan.  Nagsisimula na silang magpasikat.  Nagsisimula na ang panliligaw.  Kabi-kabila na ang mga ginagawang proyekto.  Nagiging maagap na rin sila sa pagtulong sa mga nangangailangan.  Naglalabasan na ang pulitiko suot ang kanilang mga ngiti, samantalang bago at pagtapos ng halalan ay kilala naman sa pagiging suplado.  Sabihin man nilang hindi pa sila nangangampanya ngunit tila ganoon na rin ang pinapahiwatig nila.

                May ilang pulitiko pa ngang hindi pa nangangalahati ang taon ngunit may mga pamaypay nang ipinamumudmod sa madla na kung saan doon nakaimprenta ang pangalan at mukha ng mga ito.  Meron na ring lumalabas sa mga commercial at advertisement.  May mga nasasangkot pa nga sa iba’t-ibang kontrobersiya.  Pero ika nga ng isang kasabihan, “Whether it is a good or bad publicity, it is still a publicity”.

                Ganoon nga siguro ang takbo ng pulitika sa ating bansa.  Ito na ang nakagisnan natin.  Naging popularity contest na ang bawat eleksyon.  Kung sino ang sikat, siya ang iboboto.  Kaya nga hindi na rin nakapagtatakang maraming artista ang na-e-engganyong sumabak sa magulong mundo ng pulitika.

                Maaari namang mabago ang ganitong sistema.  Kung matututo lang ang mga botante na iboto ang mga pulitikong talagang sumikat dahil sa mga mabubuting naiambag sa ating bansa, at hindi sumikat dahil lang sa pagpapasikat sa panahon lang ng eleksyon, pagpapa-gwapo sa telebisyon at pagbabandera ng mukha sa kalye.


 

BARANGAY, busy na nga, palpak pa!
Nico Villaceran

Isang barangay sa Malolos ang inirereklamo ng isang mamamayang pinaglilingkuran nito. Ang barangay na ito di umano ay hindi ginagawa ng maayos ang responsibilidad sa pamayanan. Itago natin ang lugar na ito sa pangalang ”Barangay Cannot Be Disturbed" o BCBD.

May isang inang may kasamang anak na may sakit sa baga. Ang mag-ina ay tumugon sa malapit na barangay pero hindi sila nito nasasakupan para sa tulong pangkalusugan. Walang pakundangang tinulungan sila ng Medical Health Officer ng nasabing barangay, binigyan ng gamot at pinayuhan. Kumpleto ang gamit dito dahil ito ay isang Regional Health Unit. 

Kinailangan ng anak na pumunta sa barangay araw-araw para sa regular na pagpapagamot. Ang taong may sakit sa baga ay hindi dapat mapagod nang sobra katulad ng ibang malalang sakit. Gipit din sa pera ang mag-ina para sa araw-araw na pamasahe. Kaya hiniling ng MHO na humingi ng tulong ang mag-ina sa barangay kung saan sila nakatira.

Pakay ng ina na gamitin ang sasakyan ng Barangay Cannot Be Disturbed upang ihatid ang anak papunta sa Regional Health Office at pagamutan. Pumunta ang mag-ina sa BCBD upang dinggin ang kanilang kahilingan. Pero tila sobrang busy sii Kapitan, nagmamadali at ayaw pang magpaistorbo. Pero pinilit pa rin ng ina na sabihin ang kanilang pakay. 

Ayon sa anak nagrereklamo ang kapitan at sinabing,”Pa'no ba yan? Mag-isa ka lang. Marami pa susunduin 'tong sasakyan!”, ika ng kapitan.

Sa huli, napagkasunduan ng dalawang panig na sunduin ng lang ang anak sa kanto ng kanilang sabdibisyon. Kaya napilitan ang may sakit na anak na mag-bisikleta na lamang hanggang kanto at doon hintayin ang sasakyan ng Barangay Cannot Be Disturbed.

Makaraan ang ilang araw, nagbisikleta na ang kanyang anak papunta sa kanto at naghintay. Ngunit ilang oras na ang nakakalipas ay wala pa ang sasakyan ng barangay.

Sumadya ang mag-ina sa barangay BCBD upang alamin ang hindi pagsipot ng sasakyan. Nakita ng ina ang kotse ng barangay pero dinadahilan ng drayber nito na wala sa kanya ang susi kaya di niya 'to magamit. Pero makalipas din ng ilang minuto, nakita ng mag-ina ang sasakyan na umaandar kasama ang drayber nito. Tinanong ng ina ang driver kung bakit napaandar niya ang kotse at may susi na. Nakakalokong marinig ang sinabi ng bwisit na driver.

“Ahh, itong susi, duplicate ko, meron talga ako nito,” ani ng driver.

Sumuko na lang at umalis ang mag-ina sa palpak na barangay. Napag-alaman ding ang drayber ng sasakyan ay isa pa lang dyanitor. Galing! Palakpakan!

Mapapasali na ang Barangay Cannot Be Disturbed sa Top 10 Worst Barangays in Bulacan ng Blacksmith Institute kung meron nga. Si kapitan, sabihin na natin na sobrang busy mo talaga at maraming ginagawa. SUS NAMAN! Hindi naman ikaw ang may-ari ng sasakyan ng barangay, lalo ring hindi ikaw ang gumagastos sa pampagasolina nito. Anuman ang problema sa transportasyon ng ating mga mamamayan na may sakit ay dapat lang punan.

Pangalawa, bilang kapitan, dapat mong pakitunguhan nang maayos ang mga taong lumalapit sayo. Responsibilidad mong pakinggan ang kanilang mga hinaing. Kahit saan o kailan man sila lumapit.

Pangatlo, Kapitan! Siguraduhin naman po natin na walang palpak sa lahat ng tauhan natin sa barangay. Linisin natin ang lahat ng pasaway. At isa pa! Ang drayber ay drayber at ang dyanitor ay dyanitor, walang doble kara o multi-tasking. Kapag pareho mong ginagawa ang isang bagay, mas malapit ka sa katamaran.

Saludo naman po ako sa Regional Health Office na tumulong sa mag-ina. Sana po, lahat ng barangay sa Bulacan ay tularan po kayo sa pagiging maalaga.

Ang barangay ang pinaka-maliit na sangay ng pamahalaan. Kaya ito ang pinakamalapit sa mamamayan. Kung magpapatuloy ang ganitong gawain o sistema, baka mawalan ng tiwala ang mga tao sa gobyerno. Sayang naman po ang ibang mga matatapat at mabubuting nanunungkulan at baka madamay.

Nawa’y mamulat na po tayo at ayusin ang ating trabaho upang hindi nahihirapan ang mamamayang Bulakenyo.


 

Bakit Mailap ang Ginto?
Reina Beatriz Peralta

Kailan ba huling nakasungkit ng medalya ang Pilipinas sa Olympics? Bakit nga ba hanggang ngayon ay wala pa ring ginto sa listahan ng mga medalyang nakuha na ng mga atletang Pilipino?

Kung tutuusin, walang dudang magagaling ang ating mga atleta. May kakayahan sila at talento.  Malaki ang potensyal nilang manalo. Sa suporta lang talaga ng gobyerno nagkukulang.

Hindi maikakaila na karamihan sa mga magagaling na atleta ay salat sa buhay. Dahilan para magkulang sila sa mga kagamitang pang-ensayo at panglaban. Kadalasan pa nga ay luma at sira-sira na ang kanilang mga kagamitan.  Ang iba pa sa mga iyon ay donasyon lang at pinaglumaan.  Hindi naman nila magawang bumili ng panibago dahil nga sa kahirapan.  Kaya kahit sabihin pang tunay silang magagaling, naaapektuhan pa rin ang kanilang performance dahil nga sa kasalatan sa kagamitan.  Ito ay isa lang sa mga problemang dapat sana ay nabibigyang solusyon ng pamahalaan.

Bukod sa pinansyal na suporta, ang gobyerno ay nagkukulang din sa angkop na atensyon para sa isports, higit lalo sa mga Pilipinong atleta.

Kapuna-puna na nitong nagdaang ika-tatlong State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Benigno Aquino, isa sa mga nakaligtaan niyang banggitin ay ang tungkol sa isports.  Wala siyang nasabing plano o narating ng pamahalaan tungkol sa bagay na iyon. Ni hindi man lang niya nagawang pasalamatan o sabihan man lang ng “good luck” ang ating mga atletang sasabak sa London Olympics.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na sa dinami-rami ng problemang kinakaharap ng bansa ay hindi na mapaprayoridad ng gobyerno ang isports.  Ngunit sana’y matugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga atleta.  Dahil sila ay maituturing na “bagong bayani”.  Dinadala nila ang pangalan ng Pilipinas sa bawat laban nila sa ibang bansa.  Ang bawat pagkapanalo nila ay panalo na rin ng mga Pilipino, at ang bawat pagkatalo ay pagkatalo na rin ng buong Pilipinas.

Milyon-milyong pera ang ilalaan nila sa kontrobersyal na Reproductive Health (RH) Bill kung sakaling maisasabatas ang ito.  Isang batas na wala namang kasiguraduhan na makasasagot sa problema tungkol sa kahirapan ng mamamayan.  Ang perang nakalaan para sa RH bill ay ilaan na lang sana sa pondo para sa ibang bagay na may katiyakang ikakapanalo, ikagaganda at ikaaayos ng lahat, gaya ng edukasyon, kalusugan at isports.


 

Nothing's Sweeter than Honor
John Paul Marquez

Philippines is one of the most dominant countries in Southeast Asian Games (SEA Games) but things seemed to fall apart in every Olympic Game for us.

With 11 athletes to represent our country in the 2012 London Olympics, this is also the smallest delegation in the history of Philippines in Olympics since 1932. 11 hopes for the medals and 11 honors for the country.

Every athlete's dream is to play in the Olympics and represent their country, and off course to win a medal/s and that is what Mark Javier and Rachel Cabral of Archery, Rene Herrera (300m) and Marestella Torres (Long Jump) of Athletics, Light flyweight fighter Mark Barriga, BMX rider Daniel Caluag, Tomohiko Hoshina of Judo, Shooter Brian Rosario, Swimmers Jessie Lacuna and Jasmine Alkhaldi and the flag bearer weight lifter Hidilyn Diaz are hoping for. They are trying to get their luck and strive to edge for the medals.

July 28, 4:00 am (Phil.time), the greatest show on earth started, performance coming from the superstars of Great Britain and the athletes parade was witnessed worldwide. As Queen Elizabeth II declares the opening of the Olympics, hopes, dreams and eagerness begin.

It all started from Jessie Lacuna who fell short after digging a time of 1:52:91 and finished the track in the fifth place in his heat. Another loss is that of Daniel Caluag who didn’t qualify for the next round after he scored 29 total points, was also the slowest rider in the seeding round with 40.900 seconds.

Caluag is the remaining athlete to represent the Philippines since his race last August 9 after Rene Herrera’s defeat in athletics, finidhing last in their heat with the time of 14:44:11. It was his personal best record but still wasn't enough time for him to qualify for the next round. The flag bearer Diaz made a strong kick-off when she lifted 97kgs in the snatch, but badly in the clean and jerk she wasn't able to lift 118kgs in her three attempts, ending her campaign in the Olympics.

Mark Barriga shocked the country after he chased down Manuel Cappai of Italy in their light flyweight showdown tallying for 17-7 advantage and in that win he called as the “Little Pacman.”

Barriga, together with the Philippineas, gained a lot of momentum after he advanced to the round of 16. Everyone's holding on their breath wishing to get at least a medal in that sport, like what Mansueto “Onyok” Velasco did in 1996 Atlanta Olympics where he got a silver. But unexpected things happened when Barriga seized a penalty that leads to a deduction to him and an additional point to his opponent. In the end, Barriga failed to advance in the quarter after he suffered a 17-16 heart breaking loss to Kazakhstan’s Birzhan Zhakypov.

Those losses really killed the dream of the Philippines. Silver has been our greatest achievement in Olympic history, courtesy of Anthony Villanueva in 1964 Tokyo Olympics when he lost to Soviet’s Union Stanislav Stepashkin in their gold medal match and Mansueto Velasco in 1996 Atlanta Olympics in his defeat against Bulgaria’s Daniel Petrov both from Boxing. Now, we have a total of only nine medals since the 1928 Amsterdam Olympics.

It was in the 1996 Atlanta Olympics when we last grabbed a medal. Now, we are looking forward to the 2016 Rio de Janeiro Olympics, at the same time, anticipating to finally capture some medals in that event. After this Olympics we have to wait for another four years, dreaming to furnish our brand new hopes aand dreams.

Four years will be enough to prepare for that event, four years will be enough to produce some athletes, four years will be enough to build a dream. Hoping that after four years, all the sacrifices we drained will finally produce a sweet honor.

Another Olympics has been ended and we end up nothing but the pride, nothing but the honor and nothing but our passion in sport. We may don’t have those medals but we have those athletes who will try to recover and get some medals and honors after four years.

 

Looking forward to the Rio Olympics 2016! -Philippines
Justine Marie Bernardo

You read it right. Nothing's left for the Philippines to have a title in the London Olympics. The last contender that took the chance is Daniel Caluag, the BMX Cycling athlete from Bulacan. But unfortunately, he was one of the three that gone out in the first game. But for me, it will never be a defeat nor failure, but a privilege. This is a privilege that will hold on for a thousand years by Philippine history. Being a part and qualified for the London 2012 is a great honour for the country. Why? Because we know that we had a chance to prove to the world that we are neither weak nor scarce. To show that the Philippines that can compete with them though they are much wealthier than ours.

11 representatives, different fields of sport, but one country. Some are Half-Filipinos, and live in other country, but they chose to stand for the Philippines. This is one of the reasons for us to be proud of. Despite of the limited funds and time that they receive, they don’t mind them. They’re focus is on the game and the winning.

But the bitter truth that these athletes must face is that, most of his countrymen don’t know them. Their “kababayan” don’t know that they will be there, competing for our country. They will just recognize if they will win, but if not, these people will never know their identity and they will be forgotten until the next competitions. This is one of the problems in our country. We only focus on the universal and big things, but those small things that could possibly be a success; we don’t even notice it and sometimes, push them away. Though chances are little, these athletes are still hoping and trying their best to win because they knew that if they’ll win, it will bring a great pride for the nation.

But now, the Philippines exited her way from the London 2012. It is not a big deal to others because they don’t know how hard it is to train and win against big countries. But for our Filipino athletes it’s an ending story because they failed. It is also a big frustration for them; however we don’t even observe that. Our Filipino Olympians are underrated.

These are one of the actions that should be exerted and should give an effort to help. By winning, you will not only get money, but a good history. You will not only receive fame, but a positive pride for your nation and for yourself. You will not only be given trophy, but also a great memory and experience that will you cherish when you die.

If ever we will have a chance to go and compete again in the 2016 Olympics in Brazil, we should familiarize ourselves to the next Olympians. It will be a great help for them because their countrymen are in their back to support and love them through winning and defeat. So Rio 2016, be ready.

 

Celebrating Christmas, it’s more fun in the Philippines
Justine Marie Bernardo

Saan ka nga ba makakakita ng mga Christmas lights at decors na dinisplay na para ibenta sa unang lingo palang ng August? At saan ka nga ba nakakakita ng agad-agad na ‘Countdown to Christmas’ pagdating ng unang araw ng Setyembre? Ha, wala nang iba kundi sa Pilipinas lang.

Sabi nga, ang Pilipinas ang bansang may pinakamahabang selebrasyon ng kapaskuhan. Pag sumapit na ang unang araw ng Setyembre o ang ‘Ber month’, kusa nang nagbibilang ang mga Pilipino hanggang sa sumapit ang pasko. Base sa aking pagkakabilang, simula setyembre uno hanggang desyembre 25, 115 pang araw ang aabutin. Pero ano naman nga eka ng ilan. Napakabilis na ng panahon ngayon. Hindi na natin namamalayan na ganoon na kabilis ang pag-ikot ng mundo. Sa sobrang bilis, nakakahilo’t nakakasuka na at magigising ka nalang na parang panaginip lang ang nangyari.

Sabi nga ng mga taga-ibang bansa, masyado daw “excited” ang Pilipinas sa pasko. Kahit walang handa, kahit ang hirap ng buhay, kahit walang plano at perang gagastusin, lagi pa rin tayong sabik at pinaghahandaan ang kapaskuhan. Kaya nga masayang mag-pasko sa Pinas eh. Kasi hindi inintindi kung gaano kakaunti ang pagkaing hinahain basta’t magkakasama at masaya.

Maraming ma-mi-miss at na-mi-miss ang mga pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa pag pasko. Bilang anak ng isang Overseas Filipino Worker (OFW), mahirap para sa amin at sa aking ama na malayo sa isa’t-isa tuwing pasko. Tinitiis na lang namin ang lungkot dahil magkaiba ang lugar namin. Kaya minsan, tinatapat niya talaga ng mga setyembre o nobyembre ang uwi niya para sa amin siya magpasko. At natutuwa naman akong sabihin sa inyo na uuwi na siya sa Setyembre kaya naman masaya ang magiging pasko ko kasama ang aking pamilya.

Tulad nga ng sinabi ko, maraming na-mi-miss na OFW's ang magdiwang ng pasko sa Pilipinas. Isipin mo, pag sumapit na ang Ber Months, may mga nagkikislapan na sa labas na nagbebenta ng Christmas lights, may naka-display na sa mall na mga Christmas decors, may tinda nang puto bumbong at bibingka tuwing gabi at madaling araw, “malamig” na simoy ng hangin, at may mga nagkakantahan na ng mga Christmas songs. O, san ka makakakita sa mall ng ibang bansa na setyembre palang pinapalandakan na “Oy, pasko na!”

Kung saka-sakali mang makuha ko ang kapalaran ko sa ibang bansa pagdating ng tamang panahon, ipipilit kong umuwi tuwing pasko at bagong taon. Lagi kong idadahilan na isang beses lang ito sa isang taon at ang mga bagay na minsan lang mangyari ay may iba ibang kwento at karanasan.

Eh sa ano nga naman ba kung magdiriwang tayong mga Pilipino ng maagang pasko? Hindi naman nawawala ang simbolismo nito, at lalo pa nga itong tumitibay. Ang pagkakabuo ng isang masayang pamilya. Maliit man o malaki, kahit na anong estado sa buhay, basta’t nandyan silang lahat, masaya ang pasko.

Kaya’t sulitin ang bawat panahon at araw. Mabilis ang ikot ng mundo, minsan napag-iiwanan na ang isang tao. Ngunit nasa sa atin naman kung magpapaiwan tayo. Minsan lang dumaan ang kapaskuhan. Magiging maganda, masaya at makabuluhan ang pasko tulad lang din ng dati. Bakit? Kasi ang araw na iyon ay ang kapanganakan ng Panginoon. At ang lahat ay nagpupugay at nagpapasalamat dahil sa kanyang pagsilang.


 

Mala-Olympics ang Pilipinas sa hagupit ng habagat
Deliza Maye Fernandez

Akala ko pinakamalaking balita na sa Pilipinas sa buwan ng Hulyo at Agosto ang napakalaking bakbakan ng buong mundo sa London Olympics. Nang dumating ang habagat at humagupit sa bansa, pinatunayan nitong mali ang akala ko.

Pinaniniwalaang buntot daw ito ni Gener na hindi naman kalakasan ngunit walang tigil naman. Ang iba, inaakusahan pang feeling bagyo itong habagat na ito na lumelebel sa hagupit ni Ondoy noon. Ang iba, inihalintulad pa sa tukso na kay raming winasak na tahanan at matang pinaluha. Maraming klase at trabaho ang sinuspendido sa habagat na ito. Maraming tao ang nawindang dahil sa tanang kanilang buhay ay ngayon lamang sila binaha, sa hindi pa bagyong naturingan.

Isa sa mga hinagupit nito ang probinsya ng Bulacan kung saan tatlo sa labing-isang atletang pinoy ay dito nagmula. Habang pinipilit nilang iangat ang Pilipinas sa pagsubok na makamit ang medalya, heto tayo’t lumulubog sa baha.

Sa kasamaang palad nga, bigo tayong masungkit kahit isang medalya, kahit bronze, wala. Pero taas-noo pa rin ako bilang Pilipino dahil ang makapasok lang at makapagrepresenta ng bansa sa Olympics ay malaking karangalan na. Pero mas taas-noo ako sa mga Pinoy na nakita kong nakangiti at nagtutulong-tulong sa gitna ng unos na sinapit nila. Mas malaki ito kesa sa Olympics.

Aba! Dinaig ng isang volunteer ang weightlifter na si Hidilyn Diaz sa pagbuhat ng mga kapwa niya Pilipino sa gitna ng malakas na agos ng baha. Kaya bang magswimming ni Lacuna at Alkhaldi sa baha tulad ng ibang batang nakita kong nakangiti pa habang hinahagupit sila? Mas malakas ang suntok ng fighting spirit ng mga pinoy na nasalanta kumpara kay Barriga  kung boxing lang ng buhay ang pag-uusapan. Ang karera sa tunay na buhay, mahuli man, basta’t tinapos ang laban, panalo pa rin.

Hindi ko minamaliit o sinasabing mahina ang mga atleta natin kaya wala tayong maiuuwing medalya sa bansa. Ang akin lang, ang tunay na laban pala ay hindi lang tungkol sa medalya. May sariling karera ang mga pinoy ngayon at masasabi kong mas malaki ang hamon na ito. Natapos na tayo sa pagsabak sa napakalaking patimpalak sa London, subukan naman nating bumangon ngayon.

At para sa mga Pinoy na nagrepresenta ng bansa sa Olympics, saludo ako sa inyo. Hindi biro ang makipagsapalaran sa mga banyaga lalo’t hindi naman ganoon kaunlad ang training ground natin dito.